Monday, June 22, 2009

Minsan

Minsan kailangan natin sumuko hindi dahil mali tayo, pero dahil hindi na magkakaroon ng kabuluhan ang ipinaglalaban natin.
Minsan kailangan natin tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng tao sasang-ayon sa atin, hindi tayo ipinanganak para i-please sila.
Minsan kailangan natin masaktan ng todo-todo bago natin matutunan ang mga leksyon na gustong ituro ng buhay, okay lang yun basta wag na nating ulitin ang mga mali.
Minsan nagmamahal tayo ng sobra-sobra na nakakalimutan nating magtira para sa sarili natin, dapat nating tandaan na kailangang mahalin muna natin ang sarili natin para mai-share natin ang pagmamahal na ito sa iba.
Minsan matigas lang talaga ulo natin, pero balang araw matututunan natin na ganito na talaga ang buhay, kakambal ng magmahal ang masaktan.
Minsan....tama na ang minsan.
Natuto na ako.

Just me. For now.

Wednesday, June 17, 2009

What could have been (2)

Actually tinatamad na akong i-post sana ito kaya lang parang kailangan kong maglabas ng sama ng loob.

At dahil nga nalaman ko na hindi sila close ng nanay ni Claire ako naman si tanga nakiusap na aayusin nlng lahat ulit at hindi na ako mikikialam sa kung anu man ang past nila. ow yes, ang right term is NAKIUSAP. parang tanga lang noh? hindi ko naman yun gagawin kung hindi niya ako sinabihan ng "I want you back kaya ako sumama sa CME dahil gusto ko maayos natin." Pangalawa, makikipag-ayos ako kasi feeling ko ako may kasalanan ngayon kaya hindi kami maging okay. Pangatlo, mahal ko talaga eh...ganun lang talaga siguro.

So ganito ang nangyari, tinawagan ko, nagtext ako lahat na ng katangahan at pagmamakaawa ginawa ko na para lang magkabalikan kami. Ayaw niya. Tapos bigla ko naitanong, "ano bang pumipigil sau?" Kasi dati pag nagsosori na ako, okay na yan. pero ngayon talagang sobrang hesitant siya na makipag-ayos.
K:Anu bang pumipigil sa yo? pag ready ka na sabihin mo na sa akin. kung anu man un matatanggap ko.
M:Mahal kita. Alam mo bang ang laki ng problema ko dito. Hindi ko alam kung ma-accept mo pa ako kung bakit kami nagkagulo ni Claire.
K: Di ba sabi ko kakalimutan ko na un? Nagpromise na ako di ba? Tanggap naman kita eh. Mahal kita kasi gago ka, kasi magulo ka, kasi ganyan ka.
M:Tanggap mo nga ako pero ang past ko with Claire hindi mo makakayanan.
K:Sabihin mo na sa akin. Mas masasaktan na naman ako lalo kung magsinungaling ka na naman. Pag ready ka na...Handa akong makinig.
M:Gusto ko makita si Claire. Bakit? Gusto ko makita kung tinuloy niya yung pagbubuntis niya.

at ang sinagot ko lang sa text niyang iyan..."OK..."

Hindi ko alam kung nag-iisip ba ako ng gabing yun at bakit hindi ko siya magawang iwan? Hindi ko magawang iwan kasi mahal ko? or natatakot akong mawala siya? or kasi gusto anjan siya palagi? ANU? hindi ko alam. Ayaw ko siyang iwan kasi wala siyang kakampi ngayon? Hindi ko alam. Basta ang nangyari, HINDI KO SIYA INIWAN. Hindi ko siya iniwan kahit sobrang sakit na malaman mo na may nabuntis siya. Actually hindi naman ung part na may nabuntis siya ang masakit. It was the fact that "HE WAS TELLING ME HE WANTED TO WIN ME BACK, HE WANTED US TO BE TOGETHER AGAIN PERO ALAM NA NIYANG NABUNTIS NIYA, BAKIT PA SIYA BABALIK?" Para sa okay lang na nabuntis niya eh, di ko rin naman kasi mapipigilan ang libog niya pero yung babalikan pa niya ako sobrang sakit na nun. bakit ako na naman? hindi ka na ba nakontento dati??

sa balik tayo dun sa HINDI KO SIYA INIWAN. sabi ko andito lang ako. ayusin mo yang gusot, pag ok na andito lang ako, hihintayin kita.. sabi niya, wag ko na daw siya antayin kasi ayaw na niya akong masaktan. ako naman masokista talaga, gusto ko pa rin antayin. hahaha. pero ganun lng talga siguro, mhal ko lang talaga siya. sabi ko sa knya."Bkit ba hindi mo ako kayang ipaglaban? kung mahal mo ako ipaglalaban mo ako. kung masakit ngayon, mas masakit kung iiwan mo ako kasi hindi mo man lang ako ipinaglaban." sabi niya, "Ipaglalaban kita.Kung wala lang sana tong problemang to masaya na sana tayo." AT YUN LNG...YUN LANG NAWALA LAHAT NG SAKIT KASI NALAMAN KONG KAYA PA RIN NIYA AKONG IPAGLABAN.

....pero hindi pala ganun kadali yun....akala ko okay na kami pero hindi pa pala.:(