Monday, June 22, 2009

Minsan

Minsan kailangan natin sumuko hindi dahil mali tayo, pero dahil hindi na magkakaroon ng kabuluhan ang ipinaglalaban natin.
Minsan kailangan natin tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng tao sasang-ayon sa atin, hindi tayo ipinanganak para i-please sila.
Minsan kailangan natin masaktan ng todo-todo bago natin matutunan ang mga leksyon na gustong ituro ng buhay, okay lang yun basta wag na nating ulitin ang mga mali.
Minsan nagmamahal tayo ng sobra-sobra na nakakalimutan nating magtira para sa sarili natin, dapat nating tandaan na kailangang mahalin muna natin ang sarili natin para mai-share natin ang pagmamahal na ito sa iba.
Minsan matigas lang talaga ulo natin, pero balang araw matututunan natin na ganito na talaga ang buhay, kakambal ng magmahal ang masaktan.
Minsan....tama na ang minsan.
Natuto na ako.

Just me. For now.

1 comment: